'Ang guwapo': Ivana Alawi, crush si Coco Martin

ABS-CBN News

Posted at Feb 21 2020 12:41 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Aminado si Ivana Alawi na may crush siya sa aktor na si Coco Martin.

Sa nakaraang panayam matapos ang story conference para sa kanyang seryeng "Ang Lihim ni Ligaya," sinabi ni Ivana na ang tipo ni Coco ang gusto niya sa isang lalaki.

"I am very vocal naman na crush ko 'yung Pinoy-looking guys," ani Ivana na nakasama na si Coco nang maging parte siya ng "FPJ's Ang Probinsyano."

"Ang guwapo niya kapag nagwo-work," ani Ivana.

"Siya 'yung nag-direk nung scene, ang guwapo kapag nagdi-direk siya. Nawala ako pero kinaya ko naman," dagdag ni Ivana.

Kung mabibigyan ng pagkakataon, nais ni Ivana na muling makasama sa trabaho si Coco.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.