PatrolPH

Lani Misalucha, Basil Valdez at Ryan Cayabyab magsasama sa concert

ABS-CBN News

Posted at Feb 20 2020 11:23 AM

MANILA -- Nagbigay patikim si Lani Misalucha ng kanyang latest single mula sa Star Music sa media launch ng kanilang “And the Story Begins” concert kasama sina Basil Valdez at Ryan Cayabyab.

Dito lumabas ang lighter side ng iniidolong OPM singers na nagkuwento ng kanilang mga bloopers habang nagpe-perform.

Naunang magkuwento si Basil.

“I never use wireless mics during performances, laging may wire. Importante sa akin 'yun kasi kapag nakakalimutan ko ang lyrics, [iniikot] ko 'yung wire para kunwari nawala,” biro niya.

Si Lani naman, hindi ikinaila na may pagkakataon na hindi niya naaabot ang birit parts ng isang kanta.

“Mayroong time na hindi ko naaabot 'yung note kasi it’s either pagod na pagod ako or previous night, mayroon ako kinantahan… May nangyari pumiyok ako. Kapag pumiyok ako pipiyukin ko na 'yung the rest para mukhang [nakakatawa],” aniya.

Pero kahit aminadong nagkakamali, walang kupas ang kanilang mga boses at hit songs na kanilang ipinagpapasalamat.

“I’m just grateful to God that somehow nakakakanta pa ako at nandito pa ang boses. I just do not know kung anong mangyayari after five or 10 years sa boses ko, but what I’m trying to do is to have enough rest,” ani Lani.

Magaganap ang “And the Story Begins” concert sa Pebrero 29 sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila. – Ulat ni Jeff Fernando, ABS-CBN News

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.