'Very proud of her': Regine Velasquez, hanga sa galing ni Sarah Geronimo

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Feb 19 2020 11:46 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Proud si Regine Velasquez sa kinalabasan ng matagumpay niyang "Unified" concert kasama si Sarah Geronimo.

"I am, of course, very happy and 'yung isa sa mga nasa isip ko nung time na 'yon ay ang galing-galing ni Sarah. Ang galing-galing niya. Ang ganda ng production numbers niya at duets namin. Ang galing-galing niya so I was very proud of her," ani Regine.

Pigil na naman si Regine sa pagbibigay detalye kung ano ang magiging role niya sa nalalapit na kasal nina Sarah at Matteo Guidicelli.

"I'm not at liberty to say anything about it. I'm sorry. We are all very happy for her, of course, kasi mahal namin siya eh," ani Regine.

Bukas si Regine na magkaroon ng provincial at world tour ang "Unified" concert nila ni Sarah na kanilang pinaghandaan para sa kanilang mga tagahanga.

"We wanted to make sure that the show will be balanced -- 'yung mga gustong marinig ng tao, 'yung mga kakantahin namin at the same time. We also wanted to sing songs that we wanted to sing together. So, talagang medyo matagal na proseso but we are very, very happy with the outcome," ani Regine.

Most requested din ang version ni Regine ng "Mahal Ko O Mahal Ako" na theme song ng teleseryeng "Love Thy Woman."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.