Shoot ng bagong serye ng MayWard, naudlot dahil sa COVID-19

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Feb 19 2020 11:46 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Humakot ng parangal ang tambalan nina Maymay Entrata at Edward Barber sa nakaraang PUSH Awards noong nakaraang linggo.

Malaking bahagi ng kanilang tagumpay ay ibinabalik nila sa walang sawang suporta ng kanilang fans.

"Honestly, there's responsibility there to our fans who loves us so much. We have to make sure everyday that kahit papaano babalik namin 'yung pagmamahal na ibinigay nila," ani Edward.

Naudlot lang ang pagsisimula ng bagong teleserye ng MayWard dahil sa pag-iingat sa coronavirus.

Malalaking eksena sana ang kukunan sa Japan na kailangang ipagpaliban.

"Kasi ngayon po iniaayos ang script namin dahil sa coronavirus. Laging safety first lalo na ngayon... 'Yung location kasi na target namin is Japan," ani Maymay.

"Let's just see what happens, pray for it. I'm sure things will be fine," dagdag ni Edward.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.