Ellen Adarna, single na nga ba ulit?

ABS-CBN News

Posted at Feb 19 2020 11:24 AM | Updated as of Feb 19 2020 12:52 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Usap-usapan ngayon ng ilang netizens ang Instagram post ni Ellen Adarna tungkol sa pagiging single.

Ibinahagi ni Ellen ang meme tungkol sa kasabihan na "there are plenty of fish in the sea" kapag ikaw ay single.

Ayon sa ilang netizens, pahiwatig ito na hiwalay na sila ni John Lloyd Cruz.

Matatandaan na noong nakaraang buwan ay naging usap-usapan din ang kanyang litrato kasama naman ang isang lalaki sa Madrid.

Sa ngayon ay wala pang pahayag sina Ellen at John Lloyd tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

-- Umagang Kay Ganda, Pebrero 19, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.