Alexa Ilacad, hiling na maging ka-love team si Enchong Dee

ABS-CBN News

Posted at Feb 19 2020 12:14 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Hiling ni Alexa Ilacad na makatrabaho at maging ka-love team ang aktor si Enchong Dee.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, isang video message mula kay Enchong ang natanggap ni Alexa para sa kanyang paparating na kaarawan.

Sa video, sinabi ni Enchong na hiling niya na magkasama sila sa proyekto ng aktres.

"Alexa, I just want to say happy, happy birthday. I know you are happy. I know you are healthy. I know you are the sexiest version of yourself right now. I'm very proud of you. I'm just here. And I really do hope na one day ay magkakatrabaho tayo. I hope you will say yes kapag dumating ang panahon na 'yon. Enjoy your birthday. I'll be here for you. Happy birthday and I love you," ani Enchong.

Pahayag naman ni Alexa sa mensahe ni Enchong: "Binabago ko na ang wish ko, kay Mr. M (Johnny Manahan) na ang wish ko. Sana po ay maging love team ko na si Enchong. 'Yun na po ang wish ko." 

Pag-amin ni Alexa, "ultimate crush" niya si Enchong na hinahangaan niya mula noong siya ay bata pa.

"Wala pa ko sa 'Goin' Bulilit' nakikita ko 'yung commercial niya na nagsu-swimming siya, sabi ko 'ay eto, gusto ko ito,'" ani Alexa.