Maymay at Kisses, may mensahe sa kanilang mga fans at 'bashers'

ABS-CBN News

Posted at Feb 19 2018 01:02 AM

May mensahe sina Maymay Entrata at Kisses Delavin sa kanilang mga fans.

Nagpasalamat ang dalawa sa suportang ibinibigay ng kanilang mga fans sa kanila, pero sinabihan rin nila ang mga ito na iwasan ang pangba-bash sa isa't isa.

Ito ay matapos makarating kay Maymay at Kisses na may mga ilan silang mga fans na sinisiraan ang isa't isa.

May mga fans umano si Kisses na naninira kay Maymay, at may ilan namang mga fans si Maymay na naninira kay Kisses.

"Mahal ko si Kisses, at kung sisiraan niyo ang mahal ko, masasaktan din ako," ani Maymay.

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.