KC Concepcion at Aly Borromeo, naghiwalay na?

ABS-CBN News

Posted at Feb 19 2018 03:46 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Usap-usapan ngayon ang balitang hiwalay na raw umano si KC Concepcion at football player na si Aly Borromeo.

Napansin kasi ng mga netizen na tila binura ni KC ang ilang mga larawan kasama si Aly sa Instagram.

Kahit nawala ang ilang mga larawan na magkasama, hindi pa naman ina-unfollow ng dalawa ang isa't isa.

Matatandaang noong 2016 ay kinumpirma ng kapatid ni KC na si Choie Syquia na in a relationship na si KC at Aly.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.