Jed Madela at Boyband PH, nagsama para sa isang awitin

ABS-CBN News

Posted at Feb 18 2019 01:50 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Isang bagong album ang handog ng mang-aawit na si Jed Madela sa kanyang mga tagahanga.

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Lunes, nagbahagi si Jed tungkol sa kanyang pinakabagong album na "Superhero."

"Kaka-launch lang siya the other way at available on all digital platforms," ani Jed.

May bago ring single si Jed na "Be With You Again" kung saan kasama niya ang grupong BoybandPH. "Collaboration ang bagong single ko na ito," aniya.

Inaabangan din ang 15th anniversary concert tour ni Jed sa US, Canada at sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.