Sequel ng 'That Thing Called Tadhana,' pinaplantsa na?

ABS-CBN News

Posted at Feb 18 2018 06:38 PM | Updated as of Feb 18 2018 07:22 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isa ka ba sa mga pinakilig ng pelikulang "That Thing Called Tadhana"?

Ibinahagi ng nagbabalik-showbiz na si JM De Guzman na sinisimulan na ang sequel ng box office hit na pinagbidahan nila ni Angelica Panganiban noong 2014.

"Kinausap ko si Direk Tonet (Antoinette Jadaone), sabi niya nasimulan na niya 'yong script," kuwento ni De Guzman.

"Sabi niya ayaw niyang madaliin at gawin ng walang tamang dahilan so magiging patient na lang ako," dagdag ng aktor.

Tagos sa puso rin ang epekto ng pelikula kay De Guzman.

"Noong first rehab ko, 'yon ang una kong naging film. Ang ganda nga nung nagawa ng film na 'yon sa pag-comeback ko," aniya.

Sa ngayon, itutuon muna ni De Guzman ang kaniyang atensiyon sa seryeng "Precious Hearts Romances Presents Araw-Gabi," kung saan makatatambal niya si Barbie Imperial.

Dalawang taon ding nawala sa showbiz si De Guzman matapos pumasok sa rehab.

Huling napanood ang aktor noong 2015 sa teleseryeng "All Of Me."

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.