Xian Lim, ipinakita ang talento bilang ventriloquist

ABS-CBN News

Posted at Feb 17 2020 11:55 AM | Updated as of Feb 17 2020 12:14 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Ipinakilala ni Xian Lim ang kanyang puppet na si Jun-Jun sa pagbisita niya sa "Magandang Buhay" nitong Lunes.

Ayon kay Xian, nagsimula ang hilig niya sa ventriloquism nang makapanood siya ng mga videos nito sa internet.

"Sabi ko nakakatuwa ito may kausap sila, nag-uusap sila. Ako naman sobrang suwak sa akin kasi I'm an only child, wala akong kapatid. Sabi ko okay ito puwede akong may kausap. Hinanap ko ang mga ventriloquist natin dito sa Pilipinas and I ordered it. It took six to seven months," ani Xian bago ipakita si Jun-Jun at ang kanyang talento bilang isang ventriloquist.

Ayon kay Xian, sa ina niya natutunan na hindi ka dapat tumigil na matuto ng mga bagong bagay. 

"Kasi parang sobrang iksi lang ng buhay natin and it's really good to make use of your time na parang lagi kang may natututunan," ani Xian na pinapurihan ang ina na isang single mother. 

"Si Mom raised me by herself and sa mga single moms out there, it's really hard. I saw her struggles. Especially noong nasa States pa kami nakatira, she had to come up with the rent every single month. So parang ang hirap talaga. Nakikita ko talaga how hardworking a mother is," ani Xian na bida ngayon sa seryeng "Love Thy Woman" kasama ang nobyang si Kim Chiu.

Maliban sa "Love Thy Woman," bida rin si Xian sa pelikulang "Untrue" kasama si Cristine Reyes.