Fans kinilig sa 'last' Valentine's post nina Angel Locsin at Neil Arce

ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2020 02:28 PM | Updated as of Feb 15 2020 05:50 PM

MAYNILA — Pinakilig ng aktres na si Angel Locsin at film producer niyang fiancé na si Neil Arce ang fans sa palitan nila ng Valentine's day post.

Sa gitna ito ng paghahanda nila sa kanilang pag-iisang dibdib na nakatakda umano ngayong taon.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

"Celebrating our last Valentine's day as boyfriend and girlfriend," ani Locsin sa kaniyang latest Instagram post.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Neil Arce (@neil_arce) on

"Last year I was here with my GF... This year I'm here with my fiancé, next year and all the years after that I'll be here with my wife," ani Arce sa hiwalay na post.

Matatandaang inanunsiyo ng magkasintahan ang kanilang planong pagpapakasal noong 2019.

Dati nang sinabi ng aktres na tututukan nila ni Arce ngayong 2020 ang kanilang kasal.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.