PANOORIN: Yassi, namigay ng 'free hugs' sa mga pasahero ng LRT

ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2018 12:29 PM | Updated as of Sep 17 2018 01:11 AM

 

MANILA -- Game na namigay ng libreng yakap si Yassi Pressman sa mga pasahero ng LRT nitong Valentine's Day. 

Para sa Araw ng mga Puso, nagsuot ng mask ang aktres at nagbitbit ng karatulang may nakasulat na "THIRD WHEEL AKO SA VALENTINE'S PA-HUG NAMAN" para sa mga sumasakay ng LRT sa Legarda Station.

"Dahil third wheel ako sa Valentine's Day, mamimigay kami ng free hugs for Valentine's Day. Sometimes all you need is a hug," ani Yassi bago magsimula ang pagdi-disguise.

Nang simulan ang panghihingi ng yakap ay tila ilang pa ang mga pasahero na nagawang tumingin lang.

Pero matapos ang ilang minuto ay nakakuha na rin si Yassi ng kanyang unang yakap at nasundan pa hanggang mag-desisyon siyang alisin na ang kanyang mask at makihalubilo sa mga tao.

Dinala rin ni Yassi ang kanyang libreng yakap sa labas ng estasyon kung saan pinagkaguluhan siya ng mga tao.

"Ayos! That was fun. Nakakuha ako ng maraming mga yakap today. Minsan kasi kapag feeling mo alone ka isang yakap lang panalo ka na eh," ani Yassi pagkatapos ng social experiment.

"Isang yakap lang, it's going to make you feel so much better. Hindi lang yakap ang nakuha ko today, maraming mga smile at may bulaklak pa at pagkain. It's nice to smile at a stranger and have them smile back. This was a fun experiment mas punong-puno na ngayon ang puso ko this Valentine's Day," dagdag ni Yassi.

Bibida si Yassi sa pelikulang "Pambansang Third Wheel" kung saan leading man nsi Sam Milby.