Pilita Corrales inilarawan kung paano nakatulong ang ABS-CBN sa karera niya

ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2020 08:28 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Para kay “Asia’s Queen of Song” na si Pilita Corrales, makulay ang alaala at malaki ang kaniyang utang na loob sa ABS-CBN.

Mula 1964, inumpisahan niya ang musicale program na “An Evening With Pilita” noong nasa channel 3 pa ang ABS-CBN.

Sa tagal sa ABS-CBN, nakita niya ang ika niya’y “best and worst” ng ABS-CBN, gaya ng pagbaha sa set na ginawa nilang disenyo sa show.

"Naglalagay ng bangka sa set, and someone would go like this, as if I was in the ocean," ani Corrales.

Nasaksihan din ni Corrales ang transition sa color TV, at ang tratong “Kapamilya” sa kaniya ng yumaong kapitan ng network na si Geny Lopez.

Tampok din ang pag-awit niya sa taas ng tore ng network.

"Ako lang ata ang pinapunta roon, with the wind. It's something I will never forget" aniya.

At hanggang ngayon, makikita pa rin ang kaniyang ambag sa network, bilang hurado ng “Tawag ng Tanghalan.”

Ngayon, nababalik-tanaw pa niya ang pagsara ng ABS-CBN noong Batas Militar.

"[Feeling ko] nakakamatay. It was where I became me," aniya.

Kaya naman, malaki ang kaniyang panghihinayang sakaling hindi na umere ang network.

"The millions abroad who depend on TFC (The Filipino Channel). Actual, daily (news). What will happen? Where are they going?" ani Corrales.

Hindi nga raw mawari ng mang-aawit ang buhay-Pinoy nang wala sa airwaves ang network.

"It will be a disaster. You listen to the radio about franchise... Because it will affect a lot of lives. If ABS-CBN closes and loses the franchise, very sad for the Filipinos," aniya.

Hangad niya, na masamang panaginip lang ang mga bantang isasara na ang network at magising ang mga kinauukulan sa halaga ng isang institusyon na matagal nang bahagi ng buhay-Pinoy.

--Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.