'Labor of Love' ni Arnell Ignacio sa DZMM, magsisimula ngayong Araw ng mga Puso

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2020 11:53 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Magsisimula na mamayang gabi, Pebrero 14, ang "Labor of Love" radio show ni Arnell Ignacio kasama ang radio personality na si Rica Lazo.

Nagawa na halos lahat ni Arnell ang format sa hosting pero pag-amin ni Arnell na ito ang pinakagusto niyang gawin sa ngayon.

"Sa dami ng projects na ginawa ko eto 'yung sekretong gustong-gusto ko, 'yung makaupo sa teleradyo na ang scope, ang reach, ay napakalawak," ani Arnell.

Masaya at magaan na usapan ang aasahan sa "Labor of Love."

"Yung public service mabigyan ng bagong treatment. Gawin siyang masaya. Kasi 'yun din ang nadiskubre ko, kapag masaya ang mood ng kausap mo, mas madali siyang makaunawa at mas madaling ibigay ang serbisyo," ani Arnell.

Binigyang parangal din si Arnell ng GEMS Awards para sa kanyang performance para sa pelikulang "Damaso" na kanyang ipinagpapasalamat.