'It's going to be special': Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, excited na ikasal

ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2020 12:10 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Hindi maitago nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ang kasiyahan para sa nalalapit nilang kasal ngayong Marso.

Sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, ibinahagi ni Sarah na excited siyang makasama sa espesyal na araw nila ni Richard ang kanilang pamilya at mga kaibigan na ang iba ay manggagaling pa sa ibang bansa.

"Para sa akin napaka-importanteng bagay 'yon na pupunta sila rito all the way kung saan man sila galing. My dad, mga kaibigan ko since bata pa ako, 'yung pamilya ni Chard from abroad, 'yung mga kaibigan namin. Basta 'yung family magkakasama kami in one day, napaka-espesyal dahil ang laki ng family ko, ang angkan nila Chard from Cebu and all over the world. So very, very exciting," ani Sarah na ipinanganak sa Switzerland.

Pero aminado rin si Richard na kinakabahan siya sa pag-iisang dibdib nila ni Sarah.

"Matagal na naming hinihintay ang araw na 'yon. It's going to be a special day. Finally we are going to get married tapos nandoon ang lahat ng mga mahal namin sa buhay. Ngayon pa lang parang nakaka-excite na pero at the same time nervous, kasi lahat ng attention, lahat ng tao, ay nakatingin sa iyo. Pero more than anything I will enjoy that day with Sarah," ani Richard.

At ilang linggo bago ang kanilang kasal, ipinagpapasalamat ni Sarah na hands-on ang kanyang magiging mister sa pagpaplano nito. 

"Nagulat ako na napaka-hands-on niya sa wedding planning. Hands-on siya, so ang galing," ani Sarah.

"Siyempre tinutulungan kita. Ayaw kong maging bridezilla ka sa wedding natin so kapag may chance ako na makapag-contribute sa planning, I try to help you out, di ba?" sagot naman ni Richard.

Ayon sa dalawa, espesyal ang kanilang kasal lalo't makakasama na nila ang kanilang dalawang anak na sina Zion at Kai.
 
At para naman sa Araw ng mga Puso, ibinahagi nina Richard at Sarah ang mensahe nila para sa isa't isa.

"Love, I love you and you know that. Let's try to make our lasting relationship Valentine's everyday," ani Richard.

"Happy, happy Valentine's Day. Thank you for being the best partner. Thank you for being the best dad to Zion and Kai, the best fried. I vow to love you forever," sagot naman ni Sarah.

Sa "Magandang Buhay" nagpasalamat din sina Richard at Sarah sa kani-kanilang mga magulang na walang sawang sumusuporta sa kanilang pagsasama.