Celebs ibinahagi ang kanilang mga ganap ngayong Valentine's

ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2020 07:47 PM

MAYNILA — Nais mo bang malaman kung paano ipagdiriwang ng ilang bituin ang araw ng mga puso ngayong Biyernes, mapa-single, engaged, o may-asawa na sila?

Going steady sa kanilang 17-year relationship sina Aubrey Miles at Troy Montero na dumalo sa isang Valentine's event ngayon araw. Ibinahagi nila ang kanilang pangako sa isa't isa ngayong Velentine's.

"I work out alone kasi so I promised him na isasama ko na siya pag nagwo-workout ako," ani Miles.

"Ako naman I promised her na more quality time together sa aming dalawa," ayon naman kay Montero.

Quiet time din at maagang Valentine's celebration ang na-achieve nina Vice Ganda at Ion Perez nang mag-celebrate ang 2 sa Amanpulo last week. Holding hands while walking sa beach pa ang pares.

Ipinagsigawan naman ni Tony Labrusca sa social media na single pa rin ang kaniyang status.

"Most of the time what I do is I just let people talk, assume whatever they want pero this Valentines day I just wanted to clarify na I'm single," ayon sa aktor.

Triple date naman sina Donny Pangilinan, Loisa Andalio, at Ronnie Alonte ngayong araw ng puso na nag-ikot-ikot sa mga sinehan at sinorpresa ang magkaka-date na nanonood ng "James, Pat, and Dave."

—Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.