Angelica Panganiban, may sweet birthday message kay John Prats

ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2020 11:36 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- "Happy birthday petty pets."

May sweet message si Angelica Panganiban para sa kanyang best friend na si John Prats, na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong Pebrero 14.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Angelica na malambing at mabuting tao si John.

"May mas lalambing pa ba sa kaibigan kong ‘to? Napaka kumportable ko sayo pets. Napaka buti mo kasing tao. Binalik mo sa buhay ko si Jesus. Kayo ni @isabeloliprats. Greatest blessing kayo sa buhay ko. Happy birthday petty pets. Mahal kita at ang lumalaki mong pamilya," ani Angelica. 


-- Umagang Kay Ganda, Pebrero 14, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.