Edward, may Valentine's Day promise kay Maymay

ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2019 11:44 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Napuno ng kilig ang "Umagang Kay Ganda" sa Araw ng mga Puso sa naging pagbisita nina Maymay Entrata at Edward Barber.

Nitong Huwebes, naging game ang dalawa sa pagbabahagi ng kanilang mensahe para sa isa't isa.

"Mensahe ko sa iyong Dong na sana kung may magbabago man sa ating dalawa o sa iyo, sana ay sa magandang paraan. Kasi masaya ako na nakikita kang naggo-grow. Naggo-grow tayo as individuals. Tapos nandito lang ako lagi sa iyo, sumusuporta ako," ani Maymay

Isang pangako naman ang binitiwan ni Edward kay Maymay.

"Sana ay hindi magbabago (kung ano) ang mayroon tayo. I'm so happy with where we are, what we are doing, kung ano 'yung achievements natin. Promise ko sa iyo na kahit Valentine's Day today, every day for the next 365 days will be Valentine's Day for you," ani Edward.

Sa pagdiriwang ng Valentine's Day, ibinahagi rin ng dalawa ang kanilang simpleng plano.

"May shoot po kasi kami so hindi ko alam kung ano ang plano. Baka mag-dinner po kasama ang mga pamilya namin," ani Maymay.

"Kasi gusto namin simple lang. Walang masyadong surprise or all out. Simple lang talaga," dagdag naman ni Edward.

Mas pinakilig naman nina Maymay at Edward ang kanilang mga tagahanga at mga manonood ng UKG sa pag-awit nila ng kanilang pinasikat na awiting "Bagay Tayong Dalawa."

Sumabak rin ang dalawa sa "Speak Out" challenge. Suot ang mouthpiece, susubukan ng dalawa na pahulaan ang mabubunot nilang mga salita mula sa isang bowl.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.