PASILIP: Mga inaabangang pasabog sa 'Unified' concert nina Regine, Sarah

ABS-CBN News

Posted at Feb 13 2020 06:20 PM | Updated as of Feb 13 2020 09:26 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Tuloy-na tuloy ang inaabangang Valentine's concert ng 2 OPM icons na sina Sarah Geronimo at Regine Velasquez sa 2-night performance nilang may pamagat na "Unified." 

Ito ay sa gitna ng banta ng novel coronavirus, na naging dahilan ng pagkansela sa maraming concerts sa bansa. 

Pero para maiwasan ang sakit, naglatag ang Viva Entertainment ng iba't ibang safety precautions para sa mga dadalo, gaya ng mga sumusunod: 
    
• Pagkakaroon ng infrared thermometers sa entrance
• Pagkakaroon ng handheld UV sterilizer sa turnstile units
• Pagkakaroon ng alcohol dispensers sa ilang lokasyon
• Ang mga pupuntang may lagnat ay hindi papapasukin sa venue
• Hinihikayat ang pagsusuot ng protective face mask
• Pagkakaroon ng medical team na nakaantabay

Sisimulan ang temperature check alas-6 ng gabi o 2 oras bago ang show.

MGA PASABOG

Mahigit 90 porsiyentong sold out na ang 2-night concert pero may ilang general admission seats pa ang maaaring mabili. 

Todo-papuri naman sina Velasquez at Geronimo sa isa't isa lalo't mahaba na ang kanilang pinagsamahan sa industriya.

"In my heart I didn't just see a winner. I saw a superstar... She has never changed lang, natutuwa ako ang layo ng narating niya, she's still the same," ani Velasquez kay Geronimo. Maaalalang nakilala si Geronimo sa talent show kung saan parte si Velasquez. 

"Si miss Reg talaga ang patron saint namin," sabi naman ni Geronimo. 

Kabilang sa highlights ng "Unified" ang duet ng 2 ng ilang OPM medley, gaya ng Dadalhin, Narito Ako, Kilometro, at Isa Pang Araw.


—Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.