TINGNAN: Star-studded premiere ng 'Alone/Together'

ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2019 09:13 PM

Pinangunahan ng mga bidang sina Liza Soberano at Enrique Gil, at direktor na si Antoinette Jadaone ang premiere ng pelikulang "Alone/Together" sa TriNoma Mall, Quezon City nitong Martes. Shiela Reyes, ABS-CBN News

MAYNILA -- Idinaos nitong gabi ng Martes sa Quezon City ang black carpet premiere ng "Alone/Together," ang pagbabalik-pelikula ng tambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni Soberano na sabik siyang mapanood ng kanilang mga tagahanga ang pagbabalik-pelikula nila ni Gil.

"I'm really happy and really excited for all our LizQuen fans because they've been waiting for two years to see us on the big screen," ani Soberano.

Huling napanood sina Soberano at Gil sa pelikulang "My Ex and Whys" noong 2017.

Watch more in iWant or TFC.tv

"It's never too late to dream, to change your life, it's never too late to love again," ani Gil.

Nagningning din ang premiere ng pelikula dahil sa dami ng mga bituing dumalo.

Bukod sa mga bidang sina Soberano at Gil, at direktor na si Antoinette Jadaone, naroon din sina Joshua Garcia, Julia Barretto, Marco Gallo, Dominic Roque, Kira Balinger, at Ylona Garcia.

Dumalo rin sa premiere sina Star Cinema executive Malou Santos, Star Magic head Johnny Manahan, at mga direktor na sina Mikhail Red at Cathy Garcia-Molina.

Watch more in iWant or TFC.tv

Nakatanggap ng A rating ang "Alone/Together" mula sa Cinema Evaluation Board. Nakatakda itong ipalabas sa mga sinehan sa Pebrero 13. -- Ulat nina Shiela Reyes at Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.