Maja, humataw sa pag-awit sa 'Showtime'

ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2018 03:21 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Matapos ang sikat na seryeng "Wildflower" balik sa pag-awit ang aktres na si Maja Salvador.

Nitong Lunes sa "It's Showtime," bigay na bigay si Maja sa pag-awit ng kanyang mga kantang "Dahan-Dahan" at "Halika Na."

Inawit naman ni Maja ang "Falling Into You" kasama ang Thai singer na si Tor Saksit. 

Naging game rin si Maja at Tor na gawin ang "Taga Saan Ka?" challenge ng "Showtime."

Maliban sa bagong single, sasabak si Maja sa concert sa ibang bansa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.