Lito Lapid, nagpaalam na sa 'Ang Probinsyano'

ABS-CBN News

Posted at Feb 11 2019 11:01 PM | Updated as of Feb 12 2019 03:26 AM

MANILA - Nagpaalam na ang karakter ni Lito Lapid sa teleseryeng "FPJ's Ang Probinsyano."

Nitong Lunes, ipinakita ang paghabol ni Romulo (Lapid) sa mga tauhan ni Homer (Jhong Hilario).

Sakay ng isang kabayo, isa-isang pinatumba ni Romulo ang mga tauhan ni Homer hanggang makasama niya muli si Diana (Angel Aquino).

Sa huli, namatay si Romulo habang pinoprotektahan si Diana mula kay Homer.

Watch more in iWant or TFC.tv

Samantala binigyang-parangal ng Dreamscape si Lapid sa kaniyang naging kontribusyon sa "Ang Probinsyano."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Dreamscape PH (@dreamscapeph) on

Kinailangang magpaalam ni Lapid sa kaniyang karakter dahil sa kaniyang paglahok sa darating na halalan.

Inaasahang "magpapaalam" rin sa "Ang Probinsyano" ang iba pang mga artistang tatakbo sa mga lokal na posisyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.