Pamilya ni KZ, nagalak sa resulta ng 'Singer 2018'

ABS-CBN News

Posted at Feb 11 2018 12:52 PM | Updated as of Sep 12 2018 01:41 PM

 

A post shared by KZ (@kztandingan) on

DAVAO CITY - Ikinagalak ng pamilya ni KZ Tandingan nang maging Top 1 for the week ito sa Chinese singing competition na “Singer 2018” kung saan dinaig pa niya ang kanyang iniidolo na si Jessie J.

“Yung pagsali niya sa Chinese competition, ipinagdasal ko din yan, lahat ng kanyang nakamtan. Biruin mo, sa kadami-dami ng tao sa Pilipinas, siya yung pinili mag-represent?" ani Tex Tandingan Jr., ama ni KZ.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ayon sa magulang ni KZ, hindi lubos akalain ng kanilang pamilya na unti-unti nang natutupad ang pangarap ng anak na maging kilala sa larangan ng musika at pag-awit.

Bata pa lang daw si KZ ay nakitaan na umano siya ng potensyal ng kanyang mga magulang ng husay sa pag-awit.

“Three years old pa lang yan, sumasabay na yan sa akin mag karaoke,” kuwento ng kanyang ama.

Pinabilib ni KZ ang maraming Pilipino sa pagsabak niya sa “Singer 2018” nitong nakaraang linggo.

Inulan ng papuri mula sa netizens ang Kapamilya singer matapos niyang kabugin ang kanyang mga katunggali.

Kakaibang twist sa kantang "Rolling In The Deep" ni Adele ang ipinamalas ni KZ sa unang salang niya sa kompetisyon.

-- May ulat ni Berchan Louie Angchay, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.