PatrolPH

'Walang issue': Kathryn nagsalita sa pag-unfollow ni Daniel sa Instagram

ABS-CBN News

Posted at Feb 10 2019 03:25 PM | Updated as of Feb 10 2019 09:38 PM

'Walang issue': Kathryn nagsalita sa pag-unfollow ni Daniel sa Instagram 1
Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Retrato mula sa Instagram ni Padilla/@supremo_dp

Nilinaw ni Kathryn Bernardo na walang isyu sa pagitan nila ni Daniel Padilla matapos mapuna ng mga netizen na in-unfollow ni Padilla sa Instagram ang kaniyang on-screen partner at real-life girlfriend.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Bernardo nitong Linggo, sinabi ng aktres na aksidente raw niyang na-block si Padilla sa Instagram, dahilan para ma-unfollow siya nito.

"Napindot ko 'yong block noon accidentally. Hindi ko alam na 'pag pala napindot mo 'yong block, automatic maga-unfollow-an kayo," ani Bernardo.

Watch more on iWantTFC

Hindi rin lang si Padilla ang aksidenteng na-block ni Bernardo at nakapag-unfollow sa kaniya, dagdag ni Bernardo.

"Walang problema, walang issue," aniya.

Kamakailan din ay naging maugong ang mga haka-hakang nag-propose si Padilla kay Bernardo matapos mag-post ang ina ni Bernardo sa Instagram ng pahayag na "may nag-propose."

Pero nilinaw ni Bernardo na hindi si Padilla ang tinutukoy ng ina.

--May ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.