PatrolPH

Toni Gonzaga nagbitiw sa pagiging host ng 'PBB'

ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2022 08:11 PM

Watch more on iWantTFC

Nagbitiw sa pagiging host ng Kapamilya reality show ng "Pinoy Big Brother" (PBB) si Toni Gonzaga kasunod ng mga kritisismong natanggap niya sa pag-host ng isang proclamation rally.

Si Gonzaga ang nag-host noong Martes ng rally nina dating senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte, na tumatakbong presidente at vice president sa halalan.

Marami ang nadismaya lalo na nang ipakilala ni Gonzaga ang senatorial candidate na si Rep. Rodante Marcolate, isa sa mga mambabatas na agresibong tumutol sa pagbibigay ng bagong prangkisa ang ABS-CBN noong 2020.

Ang kawalan ng prangkisa ng ABS-CBN ang naging dahilan ng pagtigil ng free TV operations ng network at pagkawala ng trabaho ng libo-libong empleyado ng kompanya.

Kinumpirma ni Gonzaga sa isang Instagram post ang natanggap na impormasyon ng ABS-CBN News na siya ang magho-host ng "Pinoy Big Brother," na kasalukuyang umeere. 

Ipinapasa na rin umano ni Gonzaga ang main hosting duties kay Bianca Gonzales. 

Naniniwala si Gonzaga na maipagpapatuloy ni Gonzales at iba pang hosts ang "PBB legacy."

Ayon kay Gonzaga, isang karangalan para sa kaniya ang maging host ng iconic reality show sa loob ng 16 na taon.

Nagpasalamat din siya kay "Kuya" sa mga alaalang babaunin niya habambuhay.

Hindi na idinetalye ni Gonzaga ang dahilan ng pag-alis sa programa.

Sa isang pahayag, sinabi naman ng "PBB" management na nirerespeto nito ang desisyon ng host.

Pinasalamatan ng "PBB" management si Gonzaga sa paghahatid ng kuwento ng housemates sa kanilang manonood sa loob ng 16 taon.

— Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.