Pinay na naging J-pop star, paano nga ba sumikat?

ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2018 01:12 PM | Updated as of Sep 03 2018 12:34 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nasa bansa ngayon ang Pinay J-pop star na si Beverly Caimen. 

Nitong Biyernes sa "Umagang Kay Ganda (UKG)," ibinahagi ni Beverly kung paano nagsimula ang kanyang karera at pagsikat sa Japan.

"Kasi po 'yung manager ko sa Philippines, si Mr. Vehnee Saturno, mayroon po siyang music business sa Japan. So, ipinarinig niya 'yung song ko and nagustuhan nila," ani Beverly, na nilinaw na wala siyang dugong Hapon.

Pagkumpirma ni Beverly, dalawang taon na siyang namamalagi sa Japan, kung saan ginagamit ang kanyang mga awitin sa iba't ibang TV shows.

 

A post shared by Beverly (@beverly_official_) on

Matatandaang Nobyembre noong nakaraang taon nang maimbitahan si Beverly na mag-perform sa 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) gala dinner, kung saan kinanta niya ang kanyang mga orihinal na awitin.

Nasa bansa ngayon si Beverly bilang parte ng Ishin-Denshin International Music Festival na magaganap sa Mall of Asia Arena Concert Grounds ngayong Sabado, Pebrero 10.

Makakasama rin ni Beverly ang ilang Pinoy artists tulad nina Barbie Almalbis, Bamboo, at aple.de.ap ng The Black Eyed Peas, pati si Luis Manzano bilang host.

Para naman sa mga manonood ng "UKG," inawit ni Beverly ang "Bang Bang."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.