Pelikulang pinagbibidahan ni Jana Agoncillo, pinarangalan sa Netherlands

ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2018 11:50 AM | Updated as of Sep 03 2018 05:53 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA - Namayagpag na naman ang Pinoy sa international scene. 

Pinakabagong gumawa ng headlines ang pelikulang "Nervous Translation," kung saan bida ang Kapamilya child star na si Jana Agoncillo.

Nasungkit ng pelikula ang Netpac Award sa katatapos lang na 47th Rotterdam International Film Festival sa Netherlands. Ito rin ang unang pelikulang Pinoy na kinilala sa award-giving body.

Napili ito para sa kategoryang Best Asian Feature Film at ayon sa mga hurado, naisalarawan ng pelikula kung paano umiinog ang mundo sa mata ng isang batang paslit.

Ang "Nervous Translation" ay ang unang pelikulang pinagbidahan ni Jana na bahagi ng Cinema One Festival noong 2017. At bukod sa Netherlands, mayroon din itong screening sa iba't ibang bansa.

Watch more in iWantv or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.