Ano'ng pakiramdam ni Sen. Kiko sa kilig tambalan nina Sharon at Gabby?

ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2018 03:25 PM | Updated as of Feb 09 2018 09:38 PM

MANILA - "Secure." Ito ang tugon ni Sharon Cuneta sa isyung baka nagseselos ang kanyang asawang si Senador Francis "Kiko" Pangilinan sa balik-tambalang proyekto nila ni Gabby Concepcion.

Nitong Linggo, naging maingay ang muling pagsasama ng tambalang Gabby at Sharon sa isang TV commercial para sa isang sikat na fast food restaurant. 

 

A post shared by Kiko Pangilinan (@kiko.pangilinan) on

Sa Instagram, ibinahagi ni Sharon ang suporta ng kanyang asawang senador sa bago niyang commercial kasama si Gabby, ama ng kanyang panganay na anak na si KC Concepcion.

"Naku super secure si Kiko. Supportive!" ani Sharon bilang reaksiyon sa tanong ng kanyang tagahanga kung hindi ba nagseselos ang politiko.

Nito lamang Biyernes ng umaga, lumabas na ang pinaka-aabangang commercial nina Sharon at Gabby. Apat na oras matapos itong ilabas online ay pumalo na ito sa 1 million views sa Facebook.

 

A post shared by Kiko Pangilinan (@kiko.pangilinan) on

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.