KILALANIN: Kapatid ni Aga, isa sa leading men ni Erich

ABS-CBN News

Posted at Feb 08 2018 11:57 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Si Adrian Justine 'AJ' Muhlach, ang nakababatang kapatid ni Aga Muhlach ang isa sa tatlong leading men ni Erich Gonzales sa pinakabagong seryeng "The Blood Sisters."

Sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes, ibinahagi ni AJ ang kasiyahan na mabigyan ng break at maging parte sa inaabangang serye ng ABS-CBN.

Makakasama ni AJ sina Enchong Dee at Ejay Falcon bilang mga bidang aktor.

"Pakiramdam ko dito na-pressure ako at nagulat din ako na ibinigay sa akin 'yung pagkakataon na maging part ng show na ito. So maraming-maraming salamat po," ani AJ.

"Siyempre magiging growth ko rin ito as an actor na makaka-try ako ng bagong role, makakasama ko ang mga beteranong actors," ani AJ.

Sa serye, gagagampanan ni AJ ang karakter ni Rainier, anak ng lider ng isang sindikato.

"Then may isang karakter ni Erich na mali-link doon sa sindikato. So, abangan nila ang mangyayari doon," ani AJ.

Bago ang "The Blood Sisters," nakita na ang galing sa pag-arte ni AJ sa pagiging parte nito ng seryeng "La Luna Sangre" bilang isa sa mga moonchasers at ng "FPJ's Ang Probinsyano" bilang kasapi ng grupong Pulang Araw.