Enchong, bakit nga ba single pa rin?

ABS-CBN News

Posted at Feb 08 2018 12:58 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Inamin ng aktor na si Enchong Dee na hindi pa siya handa sa bagong pag-ibig.

Sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes, ipinaliwanag ni Enchong ang dahilan kung bakit nais niya ngayon na unahin muna ang sarili at ang karera.

"I have two close friends of mine na pinag-uusapan namin 'yan. They're both in a relationship but they're not ready to settle down and they're practically my age. So sabi ko what are you doing? Kung nandito na kayo sa edad natin and you are not ready, you are not seeing your girlfriend as your future wife, then what are you doing to each other, di ba? So 'yun naman ang point ko na I'd rather focus on myself, I'd rather focus on my single life than have a relationship and not seeing that person as someone that you would be forever with," ani Enchong.

Giit ng aktor masaya siya ngayon sa kanyang buhay kahit walang karelasyon.

"It's not like na I'm single and unhappy. I'm single and contented and I think that's the most important thing right now," dagdag ng aktor na huling naging nobya ang modelong si Samantha Lewis.

Sa ngayon ay abala si Enchong sa paparating na serye na "The Blood Sisters" na magsisimula sa Lunes, Pebrero 12 bago mag "TV Patrol."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.