MAYNILA - Binisita ng aktres na si Angel Locsin ang isang religious convent sa Baguio kung saan ginagawa ang isang sikat na brand ng ube jam.
Nakilala ng "Iba 'Yan" ang madre na si Sr. Maria Guadalupe Bautista, ang project manager ng Congregation of Our Lady of Charity of the Good Shepherd.
Naikwento ni Sr. Bautista kung paano natulungan ng livelihood programs ng Good Sheperd, katulad ang paggawa ng ube at strawberry jam, ang kanilang libo-libong mga iskolar na makatapos ng pagaaral.
Pero dahil na rin sa pandemya, nagsara ang kumbento at nawalan ng pamumuhay ang ilan dulot nito. Nasa 189 student-workers ang umuwi sa kanilang bahay, at 89 lang dito ang nakabalik matapos ang lockdown.
Isa sa mga student-worker sa Jose Marie "JM" Cominal na nagpupursige sa Good Sheperd, sa gitna ng pandemiya, para lang makatapos ng pagaaral.
Sa tulong ng mga donors, binigyan ng "Iba 'Yan" ng kagamitan si Cominal para sa kaniyang pagaaral. Mayroon ding cash assistance ang ibinigay sa student-worker para sa isang taon na pagaaral.
Iba Yan, Angel Locsin, Baguio, Good Shepherd, student worker, ube jam, strawberry jam