Zephanie, magdiriwang ng kaarawan kasama ang mga tagahanga

ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2020 11:14 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA -- Naghahanda na para sa kanyang birthday bash at grand fans day ang kampeon ng "Idol Philippines" na si Zephanie Dimaranan.

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Biyernes, ibinahagi ni Zephanie na magaganap ang selebrasyon ng kanyang kaarawan kasama ang kanyang mga tagahanga sa Pebrero 16 sa Starmall Alabang.

"Sa February 16 po, 5 p.m. sa Starmall Alabang, magkakaroon po ako ng birthday bash plus grand fans day. Sana po ay magkita-kita tayo roon. At bukas po ito para sa lahat, and for free," ani Zephanie na magdiriwang naman ng kanyang ika-17 kaarawan sa Pebrero 14. 

Para naman sa mga manonood ng "UKG," inawit ni Zephanie ang "Simpleng Tao."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.