Liza at Enrique, nalungkot sa hiwalayang James, Nadine

ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2020 11:27 AM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by STAR CREATIVES TV (@starcreativestv) on

MAYNILA -- Ikinalungkot ng magkasintahang sina Liza Soberano at Enrique Gil ang naging hiwalayan nina James Reid at Nadine Lustre, o mas kilala bilang JaDine.

Ibinahagi ng dalawa ang saloobin sa naging hiwalayan ng JaDine sa media conference ng kanilang serye na "Make It with You." 

"It's actually kinda sad kasi sanay na kami na in all events, lahat kami, buo kami, kumpleto kami," ani Liza.

"And we are friends with James and Nadine, we were hanging out before. I think we were also in London, we were hanging out there. It's just sad," dagdag ni Enrique.

Pag-amin ni Liza, hindi pa rin siya sanay sa katotohanang hiwalay na sina James at Nadine.

"It's like there is no getting used to it, feeling namin sila pa rin. Kahit 'yung JoshLia (Joshua Garcia at Julia Barretto) feeling namin [sila pa rin]," ani Liza.

Para naman kay Enrique, naniniwala siyang maaaring magbago pa ang lahat para sa JaDine pagdating ng panahon.
 
"I'm not in the position to judge or intrude. So I mean... if they are happy where they are right now, I totally respect it. But of course, sayang. But I think hindi pa naman tapos eh, marami pang mangyayari in the future... There is always a chance," aniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.