Ice Seguerra, ibinahagi ang plano sa Araw ng mga Puso

ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2019 09:57 AM

Watch more on iWantTFC

MANILA -- Ibinahagi ni Ice Seguerra kung ano ang kanyang plano sa Araw ng mga Puso.

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Huwebes, sinabi ni Ice na sa kabila ng kanyang trabaho, sisiguraduhin niyang maglaan ng oras para sa kanyang asawang si Liza Diño.

"I have work. Alam mo siyempre sa aming mga singer talaga ang Valentine's Day parang Pasko yan. Itong Valentine season 'yan ang maraming work. But of course I always find time to make sure na makasama ko ang asawa ko and she feels special pa rin despite me having work that day. And it's also my daddy's birthday," Seguerra said.

Bago ang mismong Araw ng mga Puso, bibida sa isang concert si Ice Seguerra kasama ang kaibigang si Nyoy Volante.

Magaganap ang "Acoustic Love Journey" sa Pebrero 9 sa Palacio de Maynila.