Gladys Reyes, naluha nang inalala ang dating pagsubok

ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2018 12:41 PM | Updated as of Sep 05 2018 04:47 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Hindi na napigilan ng aktres na si Gladys Reyes ang maiyak matapos alalahanin ang pagsubok na kanyang pinagdaanan nang magkakaroon ng breast cancer ang kanyang ina ilang taon na ang nakalilipas.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, tuluyan nang naging emosyonal si Gladys matapos niyang ibahagi kung paano nagkaroon ng solusyon ang problema sa pagpapagamot ng kanyang inang si Zeny na ngayon ay cancer-free na.

Ani Gladys, buntis siya noon sa anak niyang si Grant nang dumating sa kanila ang pagsubok. 

"Alam natin 'di biro ang magka-cancer at chemotherapy, radiation and all. Siyempre nahihiya ako sa asawa ko, siyempre pamilya ko ito. Mabait ang asawa ko, sobrang mahal niya ang pamilya ko, pero ikaw di ba hanggang maari sosolohin mo. That time isa lang ang ginawa ko ipinanalangin ko. Pregnant ako noon, wala akong serye because I was pregnant," ani Gladys.

"Pero alam mo, naiiyak ako tuwing naalala ko kasi noong pinanalangin ko 'yon, doon talaga 'yung sagot ng Diyos. Biruin mo, walang magbibigay ng work kasi last trimester buntis ako, pero I got a phone call. Sabi ni Nay Lolit (Solis), 'Anak, may commercial ka na gagawin.' Sabi ko, 'Sure ka Nay kasi pregnant ako?' 'Ikaw talaga, ikaw ang gusto.' So ang galing ni Lord, parang sinagot na 'yung buong pagpapagamot ko sa nanay ko parang sinagot na through other ways," ani Gladys habang umiiyak.
 
Ngayon, masaya si Gladys sa magandang kalusugan ng kanyang ina.

"True enough basta ang faith mo ay nandoon at prayers, nakaraos ang nanay ko at ngayon survivor ang nanay ko for eight years," ani Gladys na hiling lang na makasama ang ina at kanyang ama sa mahabang panahon.