PatrolPH

Regine Velasquez, ipinagdiwang ang ika-35 taon sa showbiz

ABS-CBN News

Posted at Feb 06 2023 03:03 PM

MAYNILA -- Ipinagdiwang ni Regine Velasquez nitong Lunes sa "Magandang Buhay" ang kanyang ika-35 taon sa showbiz.

Sa pang-umagang programa ng ABS-CBN, muling binalikan ni Velasquez ang ilan sa mga mahahalagang sandali ng kanyang karera bilang mang-aawit.

Watch more News on iWantTFC

Nagsimulang gumawa ng pangalan si Velasquez matapos manalo sa "Ang Bagong Kampeon" noong dekada '80. Gamit pa noon ng mang-aawit na tubong Bulacan ang screen name na Chona. 

"Unang-una kaya ako nangarap na maging singer dahil gusto kong tulungan ang pamilya ko dahil mahirap lang ang pamilya. So feeling ko binigyan ako ng ganitong boses ni Lord, eh gamitin natin. 'Yun lang ang pangarap ko, 'yun lang ang aim ko magiging recording artist ako, 'yun lang. Siyempre kasama ko ang tatay ko at nanay ko, tinulungan naman din nila ako," paunang kuwento ni 
Velasquez, na panganay sa magkakapatid.

Watch more News on iWantTFC

Sa programa, naging sorpresa ang pagdating ni Kuh Ledesma na idolo ni Velasquez at producer ng kanyang kauna-unahang solo concert na pinamagatang "Seventeen."
 
"It's God's plan to really blessed Regine kasi mabuti siya sa parents niya," ani Ledesma na ibinahagi rin ang panalangin niya para kay Velasquez.

Sorpresa rin ang naging pagtungo ng ilan sa mga miyembro ng grupong Tux na nakakasama palagi ni Velasquez na umawit noon.

Watch more News on iWantTFC

"Sila pa rin ang dati kong mga kuya. It's wonderful to have that, alam kong mayroon akong kasangga na kung anuman I know that I can count on them anytime anywhere. Same rin sa akin, they may not see me all the time because I'm a little bit busy and I have a family, sila rin naman but if they need me, you guys know that I'll be there," ani Velasquez na inaming na sorpresa siya sa pagdating ng tatlo sa mga miyembro ng Tux.

Bumisita rin sa studio si Jed Madela na binansagang "male Regine Velasquez." Ibinahagi naman nito ang hindi makakalimutang karanasan kasama si Velasquez at ang aral na itinuro sa kanya ng idolo.

"I remember 'yung sinabi mo sa concert ko na it's your time to give back now kasi dati nung nagpasalamat ako sa iyo for the support and for the push. Sabi niya sa akin 'ikaw naman, ikaw naman ang tumulong' which is I'm doing now. ... Kaya thank you, thank you so much," ani Madela.

Watch more News on iWantTFC

Nagpahatid naman ng pasasalamat sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal sa pagkakataon na makasama sa trabaho si Velasquez na opisyal na naging host ng "Magandang Buhay" noong Agosto 2022.

"It's wonderful to celebrate my 35 years in the industry na kasama ko ang mga taong mahal ko at patuloy kong minamahal," ani Velasquez tungkol sa ibinigay sa kanyang selebrasyon.

Nakatakdang mag-concert si Velasquez ngayong Pebrero.

Watch more News on iWantTFC

Kaugnay na video:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.