Sandara, inaming labis na nalungkot nang mabuwag ang 2NE1

ABS-CBN News

Posted at Feb 06 2020 11:36 AM

MAYNILA -- Inamin ni Sandara Park sa Korean talk show na “Video Stars” na labis siyang nalungkot nang mabuwag ang kanilang K-Pop girl group na 2NE1 noong 2016.

Ayon kay Sandara, darkest time ng kanyang buhay ang panahon na iyon.

Mahigit dalawang taon siyang naging negatibo sa buhay at nawala ng kumpiyansa sa sarili.

Pero kuwento niya, naging masaya siya sa kabila ng nangyari dahil nakilala niya ang mga tunay na kaibigang hindi siya iniwan.

Bago siya maging miyembro ng 2NE1, nakilala na si Sandara sa Pilipinas bilang “pambansang krungkrung” nang sumali siya sa “Star Circle Quest” noong 2004.

Bumalik din siya sa bansa noong 2016 para maging judge ng talent show na “Pinoy Boyband Superstar.” 

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.