Maja, inspirado sa pagiging hurado ng 'World of Dance'

ABS-CBN News

Posted at Feb 06 2019 12:33 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MAJA (@iammajasalvador) on

MANILA -- Inamin ni Maja Salvador na hindi niya inakalang mabibigyan siya ng pagkakataon na maging isa sa mga hurado ng "World of Dance."

Sa isang press conference, sinabi ni Maja na nagulat siya nang ibalita sa kanya na magiging parte niya ng nasabing dance competition.

"Masaya po ako na sa lahat ng mga magagaling sumayaw dito sa Pilipinas, nagulat ako nung tinext ako na gusto nga nila na maging judge ako," ani Maja.

"Noong una kinwestiyon ko hanggang sa maraming kumausap sa akin na mga nagtitiwala po. Tapos hanggang babalik ka sa gusto mong tumupad sa pangarap ng ibang tao, kaya ayon na, hindi ko napinakawalan," ani Maja na binabansagan ring JLo o Jennifer Lopez of the Philippines dahil sa galing niyang sumayaw.
 
Ayon kay Maja, masaya na mabigyan ngayon ng pagkakataon ang mga mananayaw na kuminang sa tulong ng "World of Dance."

"Kapag mapapakinggan mo ang kuwento nila, iba't ibang sacrifices pero iisa lang ang gusto, maabot ang pangarap. 'Yung pakiramdam na sinasabi ng mga sumasali na nai-inspire namin sila, pero ang totoo sila ang nagi-inspire sa amin," ani Maja.

Kasama ni Maja bilang mga hurado sa "World of Dance" sina Billy Crawford at Gary Valenciano.

Kasama ang mga host na sina Pia Wurtzbach at Luis Manzano, mapapanood ang "World of Dance" tuwing Sabado at Linggo ng gabi.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.