Robin Padilla, walang problema sa sexy scenes

ABS-CBN News

Posted at Feb 06 2018 12:19 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa edad na 48, wala pa ring kupas ang sex appeal ni Robin Padilla.

Sa katunayan ay nakatanggap pa raw siya ng offer na gumawa ng isang pelikulang mala “50 Shades of Grey” ang tema.

Ngunit dahil nagkasunod-sunod ang trabaho ay nabinbin ito.

Wala naman daw siyang problema sa mga proyektong may temang medyo sexy. Pero hindi gaya noong kanyang kabataan, iba na ang pananaw niya ngayon kung paano iha-handle ang tukso.     

Madami raw kasing kahulugan ang tukso at hindi puwedeng mawala ito lalo na sa mga lalaki. 

Ang tanong ay kung paano ito paglalalabanan at kung gagawa ka ng paraan para “pagbigyan” ang pagsubok.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.