Vin Abrenica, hanap ay dream girl na tulad ng kanyang ina

ABS-CBN News

Posted at Feb 05 2018 12:29 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Inspirasyon ng aktor na si Vin Abrenica ang kanyang ina sa paghahanap niya ng kanyang dream girl.

Sa "Magandang Buhay" nitong Lunes, katabi ang kanyang inang si Amor, sinabi ni Vin na hanap niya ang isang "independent woman" tulad ng kanyang nanay.

"Siyempre dapat may similarities. Si Mommy ko very independent 'yan, kaya siguro ganoon din ako. Ngayon ko nakikita at 'yun din ang hinahanap ko. Type ko ang mga babaeng kayang alagaan ang mga sarili niya. Proud of what they're doing, may dignidad sa ginagawa nila, turn on sa akin 'yon," ani Vin na hanap ay "strong na babae."

"At siyempre 'yung kasing sarap ng luto ng nanay ko" dagdag na hirit ng isa sa mga bidang aktor ng "Wildflower."

Samantala, hindi napigilan ng ina ni Vin ang maiyak sa naging mensahe ng pasasalamat para sa kanya ng aktor.

"Growing up, ngayon ko na-appreciate ang ginawa mo para sa amin. Mali ang naging vision ko noong bata pa ako, kung paano ako lumaki, about you. Hindi ganoon, Ma. Ngayong tumatanda ako nakikita ko 'yung paghihirap ni Kylie (Padilla), paano kami noon dalawa kami magkasunod. Hindi ko na-appreciate 'yon ever, ngayon lang kung kailan ako tumatanda ako appreciate ko it must have been so hard for you. Hindi namin na-appreciate habang lumalaki kami ikaw ang kasama namin Ma. Ngayon mag-isa ako ikaw ang hinahanap ko," ani Vin, kapatid ni Aljur na fiancée ni Kylie.

Nangako rin si Vin na laging ipapakita ang pagmamahal sa ina.

"Sa mga tampo ko noon, sa mga sinabi ko sa iyo, mali ako noon, Ma. Ngayon masaya ako, nakikita ko. Akala ko noong bata ako, alam ko na lahat pero hindi Ma. Kung mahal kita noon, mas minamahal kita ngayon and I appreciate Ma, na-appreciate ko. I know that you are also changing for us. Tini-text mo kami, tini-text mo ako pinapadalhan mo ako ng pagkain. I love you, Ma. Hindi kasi ako ganoon Ma na nagsasabi ng problema ko but I promise I will try. And I promise to bring you flowers every Valentine's Day, I will be consistent. Ma, ako pa rin 'yon and I love you so much," ani Vin.

Para naman kay Mommy Amor, isang simpleng paaalaala ng kanyang pagmamahal ang sinabi sa anak.

"Always remember I love you very much and I'm just two steps behind you," aniya.