PatrolPH

Awra Briguela klinarong walang karelasyon

ABS-CBN News

Posted at Feb 04 2020 11:54 AM

MANILA -- Balik-pelikula si Awra Briguela sa “James & Pat & Dave” ng Star Cinema.

Sa press conference ng pelikula, hindi naiwasan ni Awra ang tanong kung may espesyal na ba siyang relasyon sa madalas niyang nakakasama sa TikTok posts niya na sinusundan ng karamihan.

“Hala grabe! Wala po 'yun. Hindi ko po talaga siya naging jowa. Ewan ko po, bigla na lang kami nag-viral eh more on TikTok lang naman ginagawa namin,” aniya.

Paglilinaw ni Awra, bata pa siya para makipagrelasyon.

“Gusto ko klaruhin na hindi ako nagkaroon kahit isa. Bata pa po ako. Pero kung may maghihintay diyan, okay lang din,” aniya.

Ipapalabas ang “James & Pat & Dave” sa Pebrero 12. -- Ulat ni Jeff Fernando, ABS-CBN News

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.