Pepe Smith binigyang pugay sa 'ASAP'

ABS-CBN News

Posted at Feb 03 2019 03:05 PM | Updated as of Feb 03 2019 06:19 PM

Joey "Pepe" Smith. Retrato mula sa MYX

Ginunita sa "ASAP" nitong Linggo ang yumaong Pinoy rock icon sa Joey "Pepe" Smith.

Pumanaw si Smith noong Lunes sa edad na 71 dahil sa cardiac arrest.

Watch more in iWant or TFC.tv

Bilang pagbibigay pugay sa ambag ni Smith sa paghubog sa Pinoy music, itinanghal sa "ASAP" ang ilan sa mga kanta ng banda niyang Juan Dela Cruz band gaya ng "Himig Natin," "Beep Beep," "Balong Malalim" at "No Touch."

Kasama nina Gary Valenciano, Kean Cipriano, Janine Berdin, Yeng Constantino at KZ Tandingan sa performance ang anak ni Pepe na si Queenie at si Juan Dela Cruz band member Mike Hanopol.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.