MAYNILA -- Sumabak na rin sa "Dati-Dati" dance challenge si Eric "Eruption" Tai.
Sa kanyang TikTok post, ibinahagi ni Tai ang paghataw niya sa sikat na awitin ni Sarah Geronimo.
May pabiro pang menashe si Tai para sa mister ni Geronimo na si Matteo Guidicelli na nauna na ring sumabak sa "Dati-Dati" dance challenge.
"Mateo ayusin mo!!! Paki tag mga idol natin fam," ani Tai na lumikha rin ng ingay sa kanyang pagsayaw sa tugtog na "See Tinh" o "Ting Ting Tang Tang" sa TikTok.
Nito lamang nakaraang linggo ay ibinahagi sa Instagram ni Guidicelli ang bersiyon niya sa pagsayaw ng "Dati-Dati."
"Dati-Dati dance challenge accepted! I think I did good. Sarah's happy," ani Guidicelli.
Oktubre noong nakaraang taon nang inilabas ang "Dati-Dati" ni Geronimo.
Kaugnay na video:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.