PatrolPH

John Lloyd Cruz naglatag ng tricycle booking app sa Laguna

ABS-CBN News

Posted at Feb 02 2021 11:47 PM

CABUYAO, Laguna—Naglatag ng bagong proyekto ang batikang aktor na si John Lloyd Cruz sa lungsod na ito Martes, pero hindi pang-showbiz ang tema.

Ayon sa Cabuyao information office, isinulong ni Cruz ang kaniyang tricycle booking app na Trike Now, kasama si Mayor Rommel Gecolea.

 

Sa paglunsad ng bagong proyekto, kasama din ang iba't ibang opisyal ng lungsod, maging ang opisyal ng mga tricycle operators at drivers association sa Cabuyao.

Matatandaang matagal nagpahinga ang aktor sa showbiz. Oktubre 2017 nang magulat ang publiko sa anunsiyong mag-i-indefinite leave muna si Cruz. --Ulat ni Andrew Bernardo

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.