Mikhail Red, may pakiusap sa fans ni Joshua at Julia

ABS-CBN News

Posted at Feb 02 2020 08:37 PM

MAYNILA -- Tila dismayado ang direktor na si Mikhail Red sa walang katapusang pagbabato ng intriga sa mga bida ng kaniyang pelikula na "Block Z" na kinabibilangan nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mikhail Red (@red_mikhail) on

"Sobrang exciting ng film kasi we've made so many game changers sa movie, we did something different. Kahit 'yung studio system, never in my wildest dreams na Star Cinema would do an R-rated zombie movie with these young actors, their first R-rated film tapos maka-cloud tayo ng very petty issues," bungad ng direktor sa isang bloggers conference ng "Block Z'.

Matatandaang noong nakaraang taon, humarap sa matinding kontrobersya ang dating tambalan matapos maugnay si Barretto kay Gerald Anderson at hanggang sa maapektuhan ang tambalang Barretto-Garcia.

"In fact, guys, no matter kung ano'ng fandom niyo, I hope you all unite for this movie. Kasi when you watch the film, you will realize this is not just the actors, it's about their characters, doon kayo mai-in love sa characters nila sa journey nila and you will realize na they are all so talented that your be rooting for the 'Block Z' barkada to survive and I think 'yun ang important," dagdag pa ni Red..

"Kahit ano'ng fandom niyo, at the end of the day our priority is to survive and lahat ng perspective and indifference niyo is you will put aside 'yun and magiging united kayo. I think 'yun and message ng 'Block Z'."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.