‘It’s overwhelming’: Julia Barretto ikinatuwa ang good reviews ng ‘Block Z’

Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Posted at Feb 02 2020 04:02 PM

MAYNILA — Isang linggo matapos ang opening ng pelikulang "Block Z," all smiles at happy si Julia Barretto sa good reviews at pagtangkilik ng fans sa zombie flick nila ni Joshua Garcia.

"It's very overwhelming. The reviews have been so positive and people are so invested on the film. So nagpapasalamat talaga ako kasi they appreciated the film na ibang genre," sabi ng aktres.

Buhos ngayon ang magagandang reviews sa social media, karamihan ay hanga sa husay ng pagkakagawa sa zombie movie. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mikhail Red (@red_mikhail) on

Sa isang Instagram post, nagpasalamat ang direktor na si Mikhail Red dahil mula sa 180 sinehan noong una ay pumalo na ito sa 225. 

"Viewership has doubled over the weekend as word of mouth continues to grow! From 180 #BlockZ is now showing in over 225 Cinemas!! Watch it today and fight the zombie horde with your entire family!!! Thank you for supporting this Filipino made Zombie movie," ani Red. 

MARJORIE HANGA KAY JULIA

All out din ang suporta ni Marjorie Barretto para sa kaniyang anak na si Julia, hindi lang sa pag-arte kung hindi sa katatagan umano nito bilang tao.

"She’s very resilient, she’s a very strong lady. Siguro kasi ang akala ng mga tao privileged [or] spoiled [siya]," ayon sa ina. 

"Julia has a very strong support system sa amin sa family so she feels loved and protected," dagdag nito. 

Sagot naman ni Julia: "Hindi ako magiging ganito katatag kung hindi matatag 'yung nanay ko... She’s the leader of my life."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.