‘I’m a lot better na’: Janine Berdin, balik-trabaho na

ABS-CBN News

Posted at Feb 02 2020 04:56 PM | Updated as of Feb 02 2020 05:38 PM

MAYNILA -- Matapos ang mahigit sa isang buwan na pamamahinga, handang-handa na muli ang singer na si Janine Berdin sa kaniyang pagbabalik-trabaho sa "It's Showtime" at "ASAP Natin 'To".

Kuwento ni Janine, mas maayos na siya ngayon matapos ang naging pahinga nang kaniyang boses.

"I'm a lot better na," tugon ng singer sa naging panayam ng ABS-CBN News nitong Lingo.

Matatandaang pansamantalang nagpahinga si Janine para ipahinga ang kaniyang boses matapos matuklasan na mayroon siyang nodules sa kaniyang lalamunan.

[LINK to 'nodules sa kaniyang lalamunan' https://news.abs-cbn.com/entertainment/10/30/19/heres-why-tawag-winner-janine-berdin-took-a-break-from-the-spotlight]

Kasabay ng kaniyang naging pansamantalang pahinga, inamin ng singer na natakot siya na makalimutan ng kaniyang mga fans.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by JANINE BERDIN (@janineberdin) on

"Siyempre not everyone gets the chance to perform on 'ASAP' and 'It's Showtime', ako na-feel ko po na nasasayangan ko ang opportunity tsaka baka pagbalik ko 'yung fans ko (nawala na) natakot po ako siyempre. But naramdaman ko naman 'yung support nila during my rest. Kahit nawala ako sandali lagi sila nag-tweet sa akin at nag-message."

Dito, ipinaliwang din ng kampeon ng "Tawag ng Tanghalan" ang naging dahilan kung bakit maaga nagkaroon ng probelma sa kaniyang boses.

"Overuse sa voice, and hindi proper 'yung placement, hindi rin talaga ako nag-train nang professionally like amateur singing contest lang naman ako na dumiretso sa 'Tawag ng Tanghalan', diretso dito, kaya hindi ko alam kung ano ang tamang techniques," aniya pa.

At sa kaniyang pagbabalik, pinasalamatan din ni Janine ang mga taong naghintay at patuloy na nagmamahal sa kaniya.

"Feeling a lot better and I feel secure na, kasi na feel ko 'yung challenge na 'yun noong nawala ako tapos mayroon pala akong support system na ganito ang 'ASAP' family and 'It's Showtime' family ko at mas happy ako to know na they're all behind my back," 
aniya.

Mas nakilala pa si Janine sa kaniyang birit performances sa "ASAP" kasama sina Elha Nympha at Zephanie Dimaranan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.