Tema ng comeback project ni Julia Montes idinetalye

ABS-CBN News

Posted at Feb 01 2020 07:47 PM | Updated as of Feb 01 2020 11:44 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Ipinasilip na sa unang pagkakataon ang ilang detalye ng comeback project ni Julia Montes: ang action-drama mini series na "24/7."

Ngayong Pebrero na ito ipalalabas, sa ilalim ng produksiyon ng Dreamscape Entertainment.

Sa unang trailer ng mini series, makikita ang muling pagsabak ni Montes sa matinding aksyon at drama.

"Nag-training kami ng arnis saka nag-firing din para meron kayong makitang bagong Julia Montes sa action," anang aktres sa panayam.

Gaganap na security officer na nakadestino sa isang pagamutan ang karakter ni Montes, base sa trailer.

Magkakaroon ng virus outbreak, at ang isa sa mga maaapektuhan ay ang kaniyang anak.

Gagawin ni Montes ang lahat para mapasakamay niya ang gamot sa virus.

Ilan sa makakasama ni Montes sa mini series ay sina Joross Gamboa, JC Santos, Arjo Atayde, Meryll Soriano, Joem Bascon, Melissa Ricks, Pen Medina, at iba pa.


—Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.