PatrolPH

Liza 'pressured' sa magiging reaksiyon ng tao sa 'Alone/Together'

ABS-CBN News

Posted at Feb 01 2019 05:45 PM | Updated as of Feb 01 2019 10:02 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Antoinette Jadaone (@tonetjadaone) on

Hindi maiwasan ng aktres na si Liza Soberano ang ma-pressure sa papalapit na Valentine's movie nila ni Enriqie Gil dahil trailer pa lang ng kanilang pelikula ay trending na sa social media. 

Ipalalabas sa mga sinehan ang pelikulang Alone/Together, na idinerek ni Antoinette Jadaone sa ilalim ng Black Sheep Production ng ABS-CBN Film.

Pero ngayon pa lang, kinakabahan na umano si Soberano.

Watch more on iWantTFC

"I can feel the pressure, right now... Each and every time na gumagawa ako ng pelikula nape-pressure ako kasi alam ko naman na people have to pay to watch the movie and of course gusto ko masusulit 'yung bayad nila 'pag nanunuod sila," pag-amin ng aktres. 

Samantala, ibinunyag ni Jadaone na higit limang taon ang iginugol niya para matapos ang pagsasaliksik at pagsusulat ng istorya ng Alone/Together.

"The sequences of the film, five years ko siya nagawa. Parang every time na gusto ko siya isulat, nagdadagdag lang ako until finally nabigyan ako ng chance ng Black Sheep," anang direktor. 

Base sa teaser ng pelikula, isang Biology major mula University of Sto. Tomas ang karakter ni Gil at isa namang Art studies major sa University of the Philippines ang kay Soberano. 

Ipalalabas ang opisyal na trailer ng Alone/together ngayong Biyernes kasabay ng FPJ's Ang Probinsyano.


—Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.